It was again a long pilgrimage from Batangas to Sucat. Maulan, traffic at madilim na. Ang haba tuloy ng munimuni ko sa jeep, and of all memories hindi ko alam kung bakit drama pa ang nahalukay ng ko sa baul ng nakaraan.
Hindi na ito ang exact same words, pero naalala ko yung sinabi ng friend at officemate ko dalawang taon na nakalilipas. Sabi nya; "Dito sa trabaho parepareho lang ang mithiin natin, at iyon ay kumita ng pera. Malabo na magkaroon ka ng tunay na kaibigan sa isang lugar kung saan kayong lahat nag-uunahan paakyat sa itaas." Sabi ko nga, hindi yan yung exact same words, pero yan yung sa tingin ko na gusto nyang iparating.
Sa totoo lang, medyo na badtrip ako sa sinabi nya. Eto ako katrabaho nya, madalas kami magkasama, nagtatawanan, sabay kumain, magkatabi pa minsan sa shuttle tapos ganun! Ano ko? Muntikan akong mag ala- Ate Sharon (sa Madrasta) at sabihing "I was never your friend just you workmate"! Hahahahaha! Loko rin eh! Pero hindi nalang ako pumalag. Nagbuo nalang ako ng argument sa isip ko.
Ito yun....
Hindi naman lahat working for the sole purpose of earning money, Its the main reason for almost all of us, but it is not the only reason, diba? We work to earn and to fulfill our corporate dreams (naks!) pero pwede naman na magbuo ng tunay na pagkakaibigan along the way. Sabi nga ni Lyra habang tumutoma ng kape sa starbucks; "Sa lahat ng stages sa buhay mo dapat bumubuo ka ng strong relationship along the way" (hindi rin exact same words). Tama nga naman! Dapat may nabuo kang genuine friendship nung sipunin ka pa, nung nag highshool ka at nag collage. Kahit na nag resign ka sa unang job mo dahil sa hinayupak mong boss at mga tsismosa mong officemate, siguro naman kahit yung guard na laging kang binabati ng "good morning" at si Ate sa canteen na laging may dagdag sa ulam mo eh may special part sa puso mo diba? Dapat wag sayangin ang panahon! Kunyari (kunyari lang ha wag ka umasa! hehehehe) ipadala ka sa Malaysia, sa Japan or sa Timbuktu para sa training, wag mong isipin na andun ka lang para magtrabaho at wala ng iba pa. Pwede naman na magtrabaho ng maigi at maging open to meeting up new friends! Ayaw mo nun? New friends from overseas!
Tama na nga yan.... Sana na-gets nyo! Hehehehe.. Tama na ang munimuni, ito nga pala yung iba sa mga kaibigan ko na pangkalawakan!
![]() |
| CS Tambay! College frieds! |
![]() |
| Leadtech days with my oh so great friends! |
![]() |
| Few of the MAHADERAS! Despedida ni Ghe! I miss you! Kahit na ayaw mo ibigay SKYPE ID MO! Ikaw pa rin ang nag iisang Tita Ness sa puso ko! ^___^ |



was here visiting.. : )
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete