Total Pageviews

Tuesday, March 24, 2009

Unit of Love

December 10, 2008 – SWELDO!

Nasa office ako ngayun, walang boss wala din yung kasama ko sa cubicle, magpapahinga muna ako saglit sa OEE at UPH monitoring. Paulit ulit sa isip ko yung tanong ni Sungit kagabi, “gaano ko daw cia ka-mahal”. Medyo nahirapan akong sagutin, kasi paano ba sukatin ang pag mamahal? Pero, hawak ang celphone hindi ko napigilan ang daliri ko sa pag pindot. Ang sabi ko sa kanya hindi ko alam kung anong eksaktong unit ang ginagamit sa pagsukat nun, basta alam ko yung pagmamahal ko sa kanya, malawak, mabigat, mahaba, malaki, makapal, malayo, malapit, mainit,minsan malamig, pero higit sa lahat malalim. At pagkayakap nya ko, kahit na naka-akbay lang sya sa akin habang naglalakad sa MOA o habang papuntang smoking area sa Fab1, parang pati yung mga buto ko nahihipo nya.
Hanggang ngayun hindi pa din ako sigurado kung paano sukatin ang LOVE. Ikaw, alam mo ba? Kung oo, ang galing mo naman, patingin nga ng notes mo? Saang libro mo nabasa? Anyway hindi naman ako interesado, kasi ayokong matutunan, ayokong sukatin ang pag mamahal ng mga taong nasa paligid ko at ayoko ding sukatin nila ang nararamdaman ko para sa kanila.
Kung pipilitin ako ni Sungit na sukatin kung gaano ko sya ka mahal, sasabihin ko sa kanya na wala pang nakakadiskubre ng unit of measurement ng FOREVER, kaya hindi ko talaga kayang sagutin ang masalimuot nyang tanong.
Kailangan ko ng magtrabaho, nandito na si tolits baka mabasa pa ang ka-kornihan ko..

No comments:

Post a Comment