Total Pageviews

Tuesday, March 24, 2009

Bawal Reklamo Basta may Trabaho

March 24, 2009

Ito na yata ang pinaka petiks mode na araw ko, (I’m so sorry Sir Rexis).Natapos ko na yung kailangan kong tapusin sa APCVD, yung equipment engineer pa nga nila yung inorasan ko (salamat MJ!). Pagkatapos nun wala na kong maisip kung ano pang makabuluhan ang pwede kong gawin. Ahh alam ko na ipapa-approve ko yung pang kalawakan kong Lay-out proposal!
Wala na ata kong ginawa kundi makipag usap sa YM at tumunganga sa harap ng PC monitor. (Sorry ulir Sir!)

Haiiiiiii.. Nakakaguilty, ang daming walang trabaho sa Pilipinas.. Ang dami nga nakakarelate sa shout out ko sa yahoo messenger “BAWAL MAG REKLAMO BASTA MAY TRABAHO”. Sa darating na quarter (next week nay un) down kasi ang kalahati ng dalawang planta.. Hindi magtatanggal ng tao, pero siguradong mababawasan ang pasok.. Syempre mababawasan ang sweldo.. Bawas muna ng DOTA, Paseo, Aplaya, at Festival Super Mall ng mga engineer at engineer graduate ng Sunpower… Kawawa naman ang Pilipinas, dumadami ang mga taong walang trabaho, walang pera, at walang makain.. Kailan ba magiging mabuti ang mundo… hindi ko na alam… Nakakainis pa ang stocks naming, nakikisali sa promo ng Globe “BENTE”. Nakakainis, dapat nagbenta na ko ng nag $97 ang lintek na stocks na yan..
Anyway, hindi naman po ako nagrereklamo. Masaya naman ako dahil walang mae-evict sa bahay ni Mang Boy at Manong Rey (Director ng Fab1 and Fab2).. Kahit alam kong magiging badtrip ang sweldo ng lahat, ok lang… Naisip ko walang magagawa ang panghinaan ng loob. Totoo yata yung kasabihan ng mga kano “it has to get ugly before it gets pretty”, sana lang wag maging “pretty ugly”.. Hehehehe,, ang totoo nyan gusto kong imbitahin lahat ng katrabaho ko na magdasal, para sa SPML, kasi aside from ourselves yung big boss sa taas lang din ang mamakakapag paganda ng pelikula na ang Sunpower at mga Engineer nito ang bida. Sana hindi na sila lahat kailangan pang sabihan.. Sana…

P.S.
Masarap ang feeling ng naa-appreciate ng iba ang beauty mo, kahit na alam mong muka kang sinabunutan ng limang unggoy..

No comments:

Post a Comment